Monday, August 14, 2006
wag kaming tutularan
dahil sa walang magawa sa loob ng silid-aralan namin at nakakabagot ang gawain dun.. pero di naman lahat.. kami ay nakabuo ng mga panibagong salita dahil wala kaming magawa sa buhay..
nais ko sanang ibahagi sa inyo ang pangyayaring naganap na ito sa aming mga baliw at walang magawa sa buhay na mga estudyante.. unang ungang nagsimula ang ganitong kabaliwan at kabalastugan kay "Camille Edde Arquero" dahil sya ang isa sa mga pinaka makulit sa klasrum.. ang alam ko kasama ako dun pero pag walang guro ay makulit talaga ako!! nyahaha!! "TUPPERWARE" nyahahaha!! sa sobrang kakulitan, e napapagaya na ako kay camille at nakakapag imbento na rin ako ng mga salitang wala namang maparoroonan tulad ng..
- tubig na walang swimming pool.. (ito ang unang unang nabuo ni camille na salitang wala namang maroroonan.. )
- walang hangganang bangin na may 1500 ft ang lalim.. ( ako ang gumawa nitong salitang ito dahil ginagaya ko si camille )
- my bleeding is nose ( ito ay naimbento ni mia dahil napahawa na ako sa kanya )
- buyugyog ( ito ay nagsimula kay baham na dapat ay ang pagkabigkas ay "bubuyog" )
- Dyu-nniper (mula sa panganlang "jennifer" na ginawa nagawa ni camille.. pero ako ang nakagawa ng pagbabaybay dahil ang kanya ay j-u-n-n-i-p-e-r at akin ay dyu-u-n-n-i-p-e-r )
- Jinggol ( nakuha ko sa palabas sa gma7 na tinatawag na "bahay mo ba 'to" tuwing martes ng gabi.. ang totoong pagkakabigkas nito ay "jinggle" )
- Destista ( ang nakabuo nanaman nitong salita ay si camille parati nagtanung sya sa amin kung may destista ba sa loob ng paaralan at dun nagsimula ang salitang yun! )
- Tefelone ( nabuo ni mia ang salitang ito dahil wala nga syang magawa sa buhay! )
- Calucator ( inimbento ni arlu ang salitang ito na mula sa salitang "calculator" )
- No U-turn at the u-turn slot ( ako ang nakaimbento neto! sa una kasi akala ko tama ang sagot ko pero pag inunawaan mo'y miintindihan mong mali pala! )
- sidwuk ( binasa ni mark ang salitang "sidewalk" at yan ang kinalabasan )
- Lubi ( isa pa tong binasa ni mark dahil wala nga syang magawa nagsimula ito sa salitang "Lobby" )
- Lundj ( ginawa din ito ni mark puro kalokohan talaga! hahahaha!! eto naman ay galing sa salitang "Lounge" )
- duri ( mula sa salitang "dowry" na binuo ni mark )
- tweet tweet (ibinigkas naman ito ni regine mula sa salitang "sweet sweet" )
- Leesol (nagmula ito sa salitang "Lysol" yung "room spray" yata yu.. basta yung pamapabango ng kwarto. ito ay ginawa ni camille )
- Potology (galing sa salitang "Topology" na binigkas ni regine )
- bulat (ako nanaman ang nakagawa nitong salitang ito! na nagmula sa salitang "balat" )
- yougoverder (binuo ni gurong jerome barquin, ang guro namin sa "english" wala kayo dun! guro ng ingles pa yun! hahahaha! dapat na saliang sasabihin nya ay "you go over there" )
- domainat (nabuo ni camille itong salitang ito na mula sa salitang "dominant" hahaha! )
- fillet (ang pagkabigkas po nito ay "fi-ley" mabagal po yung pagbigkas dahil ang dapat na binigkas jan ay "free play" na binuo ni irnsh )
sa paglipas ng bawat segundo.. biglang nagkuwento si ronnie tungkol sa dati nyang kaklase noong ikalimang antas sa elmentarya na tinawagan nya sa kanilang bahay.. at nung pagkatawag ni ronnie hindi nya nabanggit sa amin kung lalaki o babae ang nakasagot sa telepono.. tinanong ni ronnie kung nasaan ang kaklase sabay tawag ng "TUTOY! may tawag ka sa telepono!" may sumagot sa na isa yata sa kanilang mga kasambahay aty sumagot na "teka lang! TUMATAE!'' nyahahahaha!! bastos! pasensya uli sa salita! hehehe.. nakakatuwa lang kasing ibahagi ko sa inyo ang mga ito ng sa gayon ay umayos ang buhay nyo hangga't maaga pa dahil kayo rin! baka mapagaya kayo sa amin! mga walang magawa sa buhay kundi bumuo ng mga panibagong salita! pasensya na sa nasaktan o natamaan dun sa salitang "totoy" kung binabasa mo to ngayon.. hehehe..