Monday, August 21, 2006
God, help me make the right decissions
Ngayong araw ang simula ng pagsasanay namin sa bowling sponsorship.. sabi nga ni kuya icarus.. “we need to make the right decisions”. Yun ay ayon sa sinulat nya sa kanyang blog na nagngangalang “Decisions, Decisions” ayon sa kanya, hindi nya malaman kung ano ba dapat ang tamang desisyon na gagawin na kung saan gagampanan nya ito ng tama, mamahalin nya at sisiryosohin nya. Hindi nga naman talaga ganun kadali gumawa ng isang desisyon, kailangan mapili ang nararapat. Katulad nalang ni kuya icarus.. hehehe.. dapat mapili ang nararapat sa “blogger of the week” hehehe.. suportahan at tulungan po natin sya.. magaganda naman po ang mga sulat nya.. magaling sya magsulat kung mababasa nyo lang sa http://icarus05.blogspot.com iboto naman natin sya sa http://salaswildthoughts.blogspot.com hehe.. “nagplug!” hahahaha!! Tulungan po natin sya!
Ngayo’y bumalik na tayo sa usapan.. ako naman ay gusto ko talagang makasali sa sponsorship na ito kaya gagawin ko talaga ito.. pero dahil sobrang bisi na ako.. baka hindi ko na magampanan ang mga ito..
syempre nandyan ang pagaaral ko.. baka lalong bumagsak ang aking mga grado
sumunod naman ay ang kalusugan ko, araw araw ay gumigising ako ng maaga. kapag sabado at linggo ay pumupunta ako sa pagsasanay ko sa philippine bowling sa rizal. kapag lunes hanggang biyernes naman ay pumapasok ako sa paaralan. buti nalang at walang pasok ngayon dahil araw ng kamatayan ni ninoy aquino.. hehe tama ba?! hehe.. ngayon lang ang araw na nakapagpahinga ako at nakatulog ng maayos.. salamat naman!
sunod naman dun ay ang talento ko sa pagbobowling.. dahil halos araw araw yata ay may pagsasanay ako.. kakasabi ko nga lang kanina na tuwing sabado at linggo ay may pagsasanay ako sa rizal at simula ngayon dahil simula na mamaya ang aming bowling sponsorship siguro may pagsasanay kami tuwing MWF. hay! kakapagod na ang buhay ko! sana kahit ganito kasikip ang aking ginagawa, may oras parin ako sa pagbblog,sa pamilya, sa mga kaibigan, at kay Lord.. hay! san ay may tumulong sa akin!