..voices inside me..
Monday, February 08, 2010


A Very Addicting Game.. O.o)


*tantananaaaaaan!! PLANTS VS. ZOMBIES! :D
sobrang nakakaadik at masayang laro. pag wala akong libangan, ito nilalaro ko. hahaha! ang kukyuuuut pa ng plants kaya nakakatuwa din. lalo na yung malaking mushroom na violet. ang cute nun!! :D wahahaha! uhhh, hindi pa naman ako nakakalayo pero pwede na.
konti pa lang yung plants ko sa zen garden. nakakainggit yung sa kuya ko eh, milyon milyon na yung pera kaya yun na lang minsan yung nilalaro ko. :))
kung sino man nag-imbento ng larong 'to, I salute you! siguro malakas 'to ngayon? hehehe. basta, kung hindi niyo pa nasusubukan ito, oras na para subukan niyo. napaguhulihan na kayooo!! hindi maganda yun! hahahha!
hindi pa ko masyado nakakalayo pero nahihirapan na ako sa ibang levels.. good luck na lang sa'kin. :)) oh siya. wala na akong masabi. byyyeeeeeiiii! :p

posted by dyanarcel29 @ 9:04 PM Comments: 0



Battle of the Bands 2009







Introducing: JUALA BAND composed of Bless on Vocals, Imma on Lead, Dyan on Bass, Zendi on Rhythms, and Chichi on Drums.



"I Miss You sooooo.. I Miss You sooooo... I Miss You soooo.. Woooohhooo..."



nakakamiss. :) lyrics taken form the song CAROUSEL by Paramita. yun namn yung tinugtog namin noong BOTB 2008. Unfortunately, hindi kami nanalo ng kahit anong place. Pati rin nitong 2009, hindi rin kami nanalo. :)) sayang nga eh...expected ko pa naman na may makukuha kami kahit 3rd lang.. The Good News is, kami ang pinili ng madla! We won the PEOPLE'S CHOICE AWARD for 2 consecutive years (2008-2009). Hindi naman siya mayabang niyan eh 'no? :)) masaya na rin yun 'no! last year nga, mas malaki pa yung prize namin sa champion eh. oh diba, bongga! ang kailangan lang naman eh paramihan ng piso na galing sa madla. At dahil walang barya, kami pa ang nagpapabarya sa kung saan saan at nakaabot na kami sa banko. :)) pero ayos lang. road trip din yun! hahha.



Contest Proper: hay grabe! una yata kami tumugtog nito kaya nakakakaba. naninigas at nanlalamig pa ang mga daliri ko at sadly, hindi ko nagawa ng matino yung solo ko dahil sobrang naninigas yung mga daliri ko...T_T yun pa naman yung paborito ko.. pero, hindi naman yata nahalata kasi mahina yung amplifier ko! hahahaha! dapat nga malakas kasi ako yung magdadala ng kanta. :O pero ok na rin yun, hindi nahalata yung pagkakamali... =))



Oo nga pala, ang tinugtog pala namin ay BATA by Moonstar 88. 2nd favorite after Carousel. hahahaha! tapos yung 2nd piece naman eh HAY NAKU by Silent Sanctuary. Wag na yun, nevermind. :)) lahat ng bandang tumugtog, ayaw sa kantang yun. hahahahha!! basta, masaya rin naman yung experience. an experience I'll never forget. :)






posted by dyanarcel29 @ 7:44 PM Comments: 0



Tumotodong Field Trip!


WELCOME TO LAGUNA! :)
yahoo! field trip sa laguna particularly sa forest club. This was taken last November pa at ngayon ko lang pinost. haha, pasensiya. wala kasing time. Masasayang activities ang ginawa namin tulad ng Canopy walking, Obstacle courses, Bamboo rafting, Mud crawling, swimming, etc. matagal na 'to kaya hindi ko na maalala yung iba. Ito na ata ang pinakamasayang field trip ko! At ito na rin ang isa sa mga memorable moments ko sa high school. nyahahaha!

Paborito ko diyan yung mud crawling. kadiriiiiii!!!! pero masaya! mabaho nga lang yung mud at hindi na siya mud---canal na nga ata eh. sa sobrang dami ng tubig. OVER! hahah! nagsipasukan na yung dumi sa kuko ko at nagsiitiman yung mga suot naming panloob. Nahirapan na rin kami sa paglaba ng PE pants at jerseys namin. buti na lang, black yung jersey namin. woohooo! Sana maulit muli! KALIRAYA NAMAN! ;D

posted by dyanarcel29 @ 7:26 PM Comments: 0

Wednesday, February 03, 2010


College Life..Am I Ready??

huhuhuh..malapit na akong magcollege.. 4 months to go.. Kabado na Excited. Excited kasi meron nang FREEEEEEDOOOOM!! :> hahaha! kabado kasi bago lahat. bagong school, bagong mga guro, kaibigan, community.. hindi pa naman ako madaling makipagkaibigan.. :O kaya nga ayokong maging transferee nitong mga nalipas na school years..mahirap kasi baguhan ka lang sa lugar na yun..

nakakatakot din kasi hindi ko alam kung saang school ba talaga ako. may magagandang school nga pero delikado o kaya naman, wala dun yung gusto kong course..hirap talaga. parang touch move. :O hahaha. feeling ko naman, makakasurvive ako. :D tapos ayun nga, yung friends...nakakahiya kasi eh.. hahaha. san sa college, may maging kaklase ako na kilala ko na para hindi na mahirap maghanap ng kausap. :)) bongga yun! :))

nakakamiss siguro yung high school life..wala na kasi yung mga teachers na nag-aalala sa'yo kapag nag-absent ka, yung nagbibigay pa ng considerations sa mga quizzes or exams, yung pangongopya sa kaklase tuwing umaga, at kung anu ano pa. parang sa college, sari-sarili na yan. hindi ka na pwedeng basta basta na lang na nagdedepende sa kaklase o sa kung sino man.. hay grabe, nakaklungkot. hahhaha! hirap talaga pag patanda na ng patanda oh... pahirap nang pahirap lahat. :O buti pa yung mga pre-school students eh 'no? hindi nila namamalayan na natututo na sila sa mga activities ng teachers para sa kanila. hahha. asteegg! :p

pagkatpos ng college, trabaho na.. hala grabe, ang sarap maging bata..wala masyadong gagawin. wahaha! tatamad-tamad. :)) joke lang! siyempre, ang masasya sa pagiging grown up eh yung pwede ka na rin magdesisyon para sa sarili mo. hindi ka na dinadamitan ng magulang mo. :)) pwede ka nang gumala-gala.. ok rin siguro ang maging grown up.. :)

sana naman maging maayos ang lahat... :)

posted by dyanarcel29 @ 9:16 PM Comments: 0



Nagbabalik :>

dandandaaaaaan!! i'm baaack!

this time, fourth year high school na ako. malapit na magcollege... :S huhuhu..nakakakaba.. ok lang ba dun? mahirap? madali? ano?? :((

marami na ring nagbago pagkalipas ng tatlong taon. haha. nung binasa ko ulit ung mga posts ko, grabe! first year pa pala ako nun. nawalan na kasi ako ng oras sa pagbblog..tsaka wala akong masabi. :O hindi ko naman talaga hilig 'to eh. sinubukan ko lang kasi nakita ko yung kuya ko na naggaganito. ayun, gaya gaya. wala tuloy nangyari. :))

Sabi ko nga kanina, marami nang nagbago.. paboritong kulay, paboritong pagkain, interests, ugali(:D), porma, blah blah blah..cheverloo. :p parang dati, tagalog na tagalog ako magpost. ngayon kasi, ang hirap pa mag-isip ng tagalog words eh. :)) ang hirap hirap nga magsalin eh. pagsasaling wika nga yung topic namin sa filipino eh.. Mehhhhn! sobrang hirap @_@ haaaaay. nakakabaliw yun. Nagbago rin yung paborito kong pagkain. uhm, hindi naman totally na nagbago, nadagdagan lang pala. hahaha. tapos hindi na ako kuntento ngayon sa color violet lang. dapat laging may kasamang blue. :)) sa interests naman, isang dahilan ng pagdagdag ay nung mga oras na nag-iisip ako ng course para sa college. tapos yung banda namin, going strong na! :) the JUALA BAND :D weeeeeee! hahahha!

hindi naman natin mapipigilan yung pagbabago diba? ayon nga kay sir romy, ang teacher ko sa values education nung second year ako, "Nothing is permanent in the world except change." Bongga! haha. kaya naisip ko, hindi naman siguro parating masusunod yung "sana hindi ka magbabago." normal na sa atin yung pagbabago eh. hehe.

*eeeekk! *ayoko na!!! it's so serious!!! =))

sige na, wala na akong masabi. :O byeeeeeiiiii!!! :))



posted by dyanarcel29 @ 8:55 PM Comments: 0

Thursday, December 28, 2006


activity: 100 word essay about my new year's resolution

ui.. haha.. merry christmas nga po pala sa inyung lahat! haha.. belated! 4 days nalang pala before jan.1! haha!! yahoO!! yehey!!! haha..

samin, pagkatapos magchristmas party, bakasyon na.. tapos lagi na lang pagbalik mo ng skul may activity na pagagawa yung teacher. pare-pareho lang naman yung ginagawa! kakatamad na.. e pareho lang din naman yung nilalagay ko dun sa activity na yun! haha.. dun sa activity na "100 WORD ESSAY ABOUT MY NEW YEAR'S RESOLUTION!!!!" hay!! haha.. palagi nalang! hula ko pagbalik ko ng skul gagawa kmi nun s english! haha.. tapos isheshare namin sa buong klase the next day!! haha.. lagi naman e! lalo na s english subject namin ngayon! haha.. laging nagpapagawa ng speech or essay tapos isheshare sa buong klase yung sinulat dun s 1 whole intermediate pad! haha.. kakatamad na! haha.. nilalagay yata ng teacher namin sa english yung grade namin sa paggagawa ng essay *slash* speech sa recitation lalo na dun sa mga bihira lang magrecite sakanya! [kasama na ako dun! haha]

syempre gusto nila malaman kung anung nangyare samin during christmas vacation! haha.. gusto rin namin malaman yung nangyari sa kanila noong christmas vacation hanggang sa new year nila! haha.. anu kaya kung gumawa din ang mga teachers ng papers na parang ginagawa namin para sa kanila! haha! saya nun!! haha.. kung kami, 1 copy lang ginagawa namin para sa kanila,tpos 43-46 students kmi sa 6 1st yr. classrooms. haha.. edi dapat gumawa sila ng 258-276 na copies ng "100 WORD ESSAY ABOUT MY NEW YEAR'S RESOLUTION" activity nila!! haha... ayus!! haha.. [hala! pinagtripan yung mga teachers?!] haha! bawal xerox copies! haha!! adik!! sakit naman sa kamay nun! haha.. revenge sa mga teachers!! haha..

pag pinapagawa kami ng new year's resolution, pare-parehas lang naman ang nilalagay.. haha! isa na ako dun! haha.. minsan nga, nagkokopyahan pa kami ng isusulat! haha..
here are some examples of "my" [pwede ring "our"] new year's resolution:
  • magpapakabait na sa year 2007 (hhmm... totoo ba yan?! how long will you keep that up?! haha.. baka naman after 48 hours walang bisa na ang activity sheet mo! haha..)
  • maging matulungin sa mga nangangailangan (napakagenerous naman!)
  • pagbutihin yung studies (minsan di naman pinagbubuti, sinulat lang yun para matapos na yung activity! haha..)
  • tutulong sa parents at sa "maid" sa gawaing bahay (gagawin ba talaga yan?! lalo na't may "maid" sa bahay?! haha..)
  • forgive others who made you feel bad for them (tama ba grammar?! haha..)
  • maliligo na lagi (yuck! haha!)
  • kakain na ng vegetables (ya! that's gud for ur health! haha!

la na kong maisip na iba pang pwedeng idagdag! haha.. anu kaya ilalagay ko sa activity naming gagawin sa english?! haha..


posted by dyanarcel29 @ 7:23 PM Comments: 1

Saturday, November 04, 2006


destroying guitars

kahapon, nov. 3, 2006. sa kabilang section ng freshmen. ang section ng "purity" kami nagppaint at gumagawa kami ng banner para sa foundation day. kami ang naka-assign gumawa ng banner at dun kami pinapagawa sa room ng purity. e balita namin, mahirap daw ang buhay ng purity dahil lagi daw napapagalitan, laging pinag-iinitan, laging nababanggit ang pangalan. haha! hirap nga! buti nalang di ako purity. hehe..

dahil walang magawa ang boys ng purity, napaginitan nila yung gitara ng kaklase. napansin kasi nilang sira na ito at ay basag na...
dahil kulang daw yung strings, dadalawa nalang yata yung nakakabit. yung G at E na strings, ginupit nila yung mga string at pinaglaruan yung string! haha! walang magawa e! nasaksihan ko yun! haha! hirap n hirap pa silang gupitin uyung string! haha! pagkatapos nun, sinabi ko sa kaklase kong naggigitara din, "sayang naman yung strings, mahal kaya nun! " haha! para sakin kasi mahal yun! tpos pinagsasalu-salo nila yung gitara e sinadya daw na di saluhin nung isa yung gitara, ayun! bumagsak! *blagag! (haha! parang bowling lang! nyahaha!!) bumuka lalo yung likod! haha! sirang sira na yung gitara! haha! ayun! pinagsisisipa na nila! haha!! hanggang sa masira na. e yung isang kaklase nila, kinuha ung gitara, hinawakan sa fret board at hinampas sa locker! haha! e sa sobrang ingay ng paghampas nya, dumating ang guro na nagmula sa faculty room. (katabi lang kasi ng purity ang faculty room). haha! huling huli sya. kitang kita ng teacher ang ginagawa nya sa gitara! haha! kaya yung locker, lumubog yung pinto tapos yung gitara ay di na gitar. haha! di mo na sya matatawag na gitara! haha!! "fret board" nalang! hahaha!! ayun! nanarrative sila at pinadala sa prefect of discipline!

sayang talaga yung gitara. sabi naman daw nila, mayaman naman daw yung may ari. marami daw syang gitara sa bahay nila. haha! sabi pa nga nya pagkatapos na paginitan yung gitara nya, "di bale, may bass naman ako" haha! yabang!!! pero yung gitara e yung mga mumurahin lang na gitara na mabibili sa sm na yung mga shops nila e matatagpuan lang sa gitna ng mga hallways sa sm. yung mga weinstien guitars! haha!

muntik na nga ako bilhan ng dad ko ng gitara mula dun! haha! yoko nga! di ko gusto yung tunog! mahina!! pag dinala ko sa skul, di ko maririnig kapag na plucking ako! salamat naman! haha! kasi niyaya ko sya sa ibang lugar. sa lazer! haha! sabi daw kasi ng iba mahal daw sa jb! hehe.. basta! ang saya kahapon. pero nakakapanghinayang yung gitara! sayang! tsk.. tsk..

posted by dyanarcel29 @ 8:38 AM Comments: 2

Saturday, October 14, 2006


studies first before success

wohoi!! tagal kong nawala noh! hehe.. sobrang busy! nabasa ko kasi yung tag board ko at dumaan si kuya adrian! also known as the moderator of http://kissescomics.blogpsot.com/ *(haha! kuya nalang tawag ko sayo ha! :D)* binasa nya raw ang blog ko at magupdate naman daw ako! hahaha! kaya nandito na ako muli.. sobrang tagal ko nga naman talagang nawala sa blogger business! hehe.. kung iisipin, huli kong paguupdate last september 3 pa yata.. e ano na ngayon?! october na! haha!! ang tagal na talaga sobra! hehe.. nabuhay lang uli ang blog ko kung kelan ang exams week! wahahah!!!

eto na nga! sa ibang mga paaralan.. tapos na ang exams week nila para sa ikalawang markahan! *(yaks! ampangit pakinggan! wahaha!!! ) 2nd quarter pala..hehe.. kami ay sa lunes pa.. hehe.. dapat ay nung miyerkules hanggang biyernes ang aming exams subalit, dahil nga sa dalawang araw na pasok dahil kay bagyong milenyo (salamat! lang pasok! wahahha!! kaso ano pa bang "sense" ng walang pasok kung wala namang kuryente diba?! wahahha!!!) kaya naisipan ng skul na mag-extend ng reviewing days.. para makapag review kami kasama ang mga guro!

haha! sa tutuusin di pa ako nagaaral! hahah!! parang nakakatamad pero kaylangan kong ipasa dahil ang hirap na ng takbo ng buhay ko ngayon dahil "high school life" na ang hinaharap ko ngayon! (haha!! freshmen palang kaya medyo mahirap mag "move on" hehe.. ) bumabagsak na nga ako sa math! ang hirap talaga! haha!!! kaya pagpray nyo po sana ako! hahah!! makapasa ako sa exams kasi anu.. here's the sad and most painful part.. shshshss.......

sabi ng dad ko...
pag hindi ko daw mapasa ang math at hindi umabot ng 82-89 percent ang grade ko dun.... patitigilin nya muna ako sa bowling! and magchututor daw ako sa teacher ko.. waAaAa! di pa ko nakakaranas ng tutor! kasalanan ko bang pahirap na ng pahirap ang mga gawain sa high school life? sa sobrang hirap, parang nanghihina na ako at parang gusto ko nang sumuko kaya hindi ko na nabibigay ang lahat ng magagawa ko sa lahat ng subjects?! mairap talaga ipagsabay ang sports at ang studies dahil napamahal na rin ako ng konti sa bowling.. and i love this game.. tapos patitigilin ako sa bowling?! *i hate you!* nakakainis yun no! kung kayo kaya, isusuko nyo ba ang paborito nyong gawain para sa isang milyong dolyar, 1 milyong house and lot at kung anu anu pang mga isang milyon jan.. para isuko nyo lahat?! watda! i can't do that! kayo?! wahaha!!! kahit gaano pa kalaki ang ibibigay saking halaga o kahit gaano pa ito kaimportante, hay naku! i'll regret that! that's the biggest mistake that I will be doing in my whole life! kaya sana mapasa ko ang exams ko.. haha... because according to my coach.. (coach sharwin tee) hi!! hehe.. "you have to be a good student, before a great bowler.." can you imagine to see biboy rivera win the world championships if he has nothing on his mind?! * and speaking of biboy rivera, CONGRATS PO!! :D heheh.. kasi sa bowling, hindi lang basta basta titira ka lang jan.. kailangan din dun ang math.. mageestimate ka kung san ang target mo, kung panu tira mo, magaadd ng needed boards to the left and needed boards to the right or pwede din na magminus.. if you experienced to bowl, may makikita kayong mga dots dun sa lane approach I think there are 5 dots in there? hehe.. d ko sure.. hehe.. yun ang tawag naming mga boards..

ok back to the topic! what we are learning in school are very important.. everything we learn in school are every where.. whenever we go, there is math, there is science.. di ba?! hehe.. wala na akong masabi ah! basta.. anu nalang.. "studies first before success" diba?! ang yabang! wahahah!!!! well at least nabuhay na rin ang blog ko and i hope na patuloy itong mauupdate! hehe..

* di ko akalaing nageenglish na ako ngayon dito sa bago kong post! wahahha!!! :D at sa tingin ko ang gasling ko palang magspeech! wahaha!! joke!! =p haha!!! hanggang dito nalang hirap magisip ng bagong istory! hehe.. try playing bowling sometimes, it will make you forget about your problems and it is very enjoyable and fun especially when your'e playing it with friends! hehe.. by the way, conratulations again to biboy rivera for winning the world championships! hehe.. galing talaga ng TBAM! wahaha!!!

posted by dyanarcel29 @ 11:46 AM Comments: 2

Sunday, September 03, 2006


i need an idea!!

ngayong sobrang masikip na ang iskedyul ko.. wala na akong oras para makapagblog kaya pala wala ng dumadaan! hehehe.. sa ngayon, wala pa ako masyadong makuwento dahil nga maikli nalang ang natitirang oras para makapaginternet ako. sinusubuksn ko lang maupdate itong blog ko para mabuhay naman!

wala akong masabi e.. uhmm.. ano.. uhh... yun nga!.. oo.. basta alam mo yun.. oo yun nga!.. bsta yun na yun!.. kahit ano na!.. ok na yun! hahahaha! karamihan kapag wala na tayong maisagot sa mga nagtatanong sa atin, ginagamit nalang ang mga salitang nakalista sa itaas.. dahil sa ayaw sagutin ang tanong o kaya naman ay hindi alam ang sagot! hindi po ba?! hahahaha.. katulad nalang ng ginagawa ko ngayon.. dahil wala akong maisulat at maikuwento sa inyo.. hay! uhhmmm... bsta yun na yun.. hahahaha!!! hindi ba? lam nyu na! hahahaha!!

wala talaga akong maikuwento.. kaya siguro maikli lang ang post kong ito.. dahil ang pangit ng tpoic ko ngayon.. tatapusin ko na itong post na to para makagawa naman ako ng panibagong kuwento at post.. sige..

posted by dyanarcel29 @ 7:06 AM Comments: 1

Friday, August 25, 2006


sportsmanship is needed! no excuses!

"The crowd goes wild, they jumped, screamed, and cheered."
narito na ang pinakaantay na araw.. ang MCS Intramurals '06-'07.. mOdEsTy vS. dEcEnCy! medyo gagayahin ko nalang ang pagkakapost ng kaibigan kong si mico sa Blog nya! hehehe.. idol ko yun e! hehehe.. hi mico! kung nababasa mo to ngayon! hehhe.. eLo nalang and sori sa post kong ito.. medyo gagayahin ko lang yung iyo.. la kasi akong mapost.. hehehhe.. eto na! balik na tayo sa usapan.. limang laro ang pwedeng salihan.. merong basketball, volleyball, table tennis, badminton, at chess.. nabanggit ko na nga sa nakaraang post ko na kasali ako sa volleyball boys and table tennis singles.. hehhe.. inuulit ko lang po.. hehehe..
nais kong ibahagi sa inyo ang naging resulta ng aming laro..

~ Basketball..
sa Lunes pa ang Laro ng ~'dEcEnCy'~ sa larong basketbol.. hindi pa namin sigurado kung mananalo kami pero sa tingin ko mananalo nga kami! sa tingin ko lang ha! kasi babawi daw yung mga lalaki sa pagkapanalo dahil sa naging resulta ng isang laro namin at mamaya ko na ikukwento ang tungkol dito para hindi masyado mabitin.. hehehe..

~ Volleyball..
gUrLs..
wala.. pulubi mga volleyball girls namin e... karamihan kasi mga hindi marunong ang nakasali.. wala na kasing mas gagaling pa sa mga nakasali.. kaya sila nalang ang pinili.. isa ako dun sa mga hindi marunong! hahaha! pero sabi nila magaling daw ako.. ni hindi nga ako gumagalaw sa court e.. hehehe.. bumabawi lang ako sa service.. pero tatlong bese lang yata nakapasok ang serve ko. hehehe.. pulubi.. dahil sa naging resulta ng aming laro.. natalo kami sa mOdEsTy. halata naman talaga na sila na ang panalo dahil karamihan dun aya magagaling! hehe.. hindi talaga namin kayang talunin ang grupong iyon! kawawa naman kami!

bOyS..
daig pa kami ng mga lalaki! hehehe.. nanalo sila sa laro.. maganda na sana yung laro ng mOdEsTy boys pero ang problema lang sa kanila, laging outside yung mga tira nila! kaya kami nanalo dahil sa kakaoutside ng bola nila! hehehe.. ang nakakatawa dun! sinasalo ng dEcEnCy boys yung boLa.. ginawa ba namang basketbol! hahahha! imbis na itotoss.. sinasalo tapos sabay bato sa net.. pero hindi halata kasi para silang nagfofollow-up pero hindi naman talaga ganun ang itsura.. hehehe.. ok lang yun1 panalo naman! hehehe..

~ Badminton..
SiNgLeS..
sa Lunes na din ang laban namin dito! ang player namin ay maliit! sya yung pinakamaiit sa mga lalaki sa aming klase.. minamaliit sya ng mga kaklase ko.. ako la naman ako ginagawa pinapabayaan ko nalang sila dun! hhehee.. pero magaling sya! akala nyo porket maliit sya! magaling naman! hehehe.. "small but terrible" hehehe.. ewan ko lang kung mananalo sya dahil maliit sya baka mamaya sobrang tangkad ng kalaban nya.. lugi sya! hehehe..

DoUbLeS..
dito naman ay napanalunan namin! akala ko nga talo kami kasi nung huli kong panood doon sa laban nila, tambak sila nanonood kasi ako ng volleyball kaya hindi ko nakita kung ano na ang nagyayari! hehehe.. pero ang maganda dun, panalo parin! hehehe..

*Hindi ko alam kung may division ang boys dito sa badminton.. kung may badminton singles gurls, badminton doubles boys.. or whatever! hehehe! (aba sosyal! "whatever" hahahha!)

~ Table Tennis..
Singles.. gUrLs..
wala pang "announcement" kung kelan ang laban ko.. hehehe.. ako kasi ang player nito.. hehehe.. kinakabahan na nga ako e.. hehehe.. masyadong pressured.. wala pa nga ang laban ko kinakabahan na ako.. kasi baka magaling yung makalaban ko mapahiya pa ako.. wala pa naman akong pagsasanay sa table tennis kahit makhawak at itira ang bola ay hindi ko nagawa.. hehe.. sana nga ay manalo ako at kung matalo man, basta malapit ang puntos ko sa kalabn.. hehe..

Singles.. bOyS..
wala pa ding sinasabi kung kelan ang laban. hindi na nga mapakali ang player namin sa sobrang kaba at mahabang pag-aantay sa parating na araw.. maging maganda sana ang kanyang laro at wag syang masyadong kabahan.. hehehe..

Doubles.. gUrLs..
ang mahirap dito sa doubles sa gurls.. yung isa wala talagang alam tungkol sa table tennis, kung paano ba maglaro, anung rules, paano hawakan ang raketa, at kung anu anu pang mga kabalbalan.. gusto nya raw kasi makasali sa intrams at yun ang pinili nyang salihan.. yung kasama nya sa laro ay medyo marunong naman daw.. siguro nga e talo kami dito dahil diba mahirap mag-doubles sa larong ito?! kailangan salit salit yung pagtira dun diba.. hehe.. hirap kaya nun! kaya nga nagsolo ako.. hehehhe..

Doubles.. bOyS..
isa pa itonmg dalawang players namin. di daw talaga sila marunong.. gusto lang nila makasali sa intrams! ngek! wala na talo na din yata dito! hay! ok lang yan! kaya parin yan!

~ Chess..
bOyS..
aba! panalo kami dito.. hehhe.. ang galing naman kasi ng player namin! hehhe.. matlino at "skillful" hehehe.. madiskarte din pagdating sa logic! hehehe.. salamat po sapagkapanalo mo! hehehe.. tulong din yan sa dEcEnCy! hehehe..

gUrLs..
syempre.. panalo din kami dito! hehehe.. yung president namin ang lumaban e! heheh.. syampre matalino yun! parang yung player din namin sa chess boys.. hehhe.. "matalino na, skillful pa!" heheheh.. idoL!


yun ang kabuuang resulta ng laro namin sa intrams.. hehehe.. panira dun yung volleyball gurls e.. di talaga kasi kami marurunong! isa lang yung varsity namin sa dEcEnCy. e yung kalaban namin, magagaling na nga yung players, may dalawang varsity pa! hehehe.. sa ngayon ang resulta sa aming mga laro sa intrams, isa palang ang TALO at apat yata ang PANALO?! tama ba?! pakibilang nalang po! hehehe nakakatamad e! hehehe.. para sure! tuwangtuwa ako dun sa captain bol ng kalaban namin sa volleyuball gurls kasi nung matatalo na sila, nangangamatis na yung mukha sa sobrang galit dahil hindi hinahabol ng mga lalaki yung bola at laging lumalabas sa court yung tira nila! sigaw sya ng sigaw sa sobrang galit! para ba sya yun"BOSSING" ng mOdEsTy! hehehe.. ako'y magpapaalam na! masyado ng mahaba ang post ko! hehe.. sa tingin ko, ito yata ang pinakamahaba k0ng post sa ngayon.. hehehe.. o sya! sige at ako'y magpapahinga na! hehehe!!! paalam! LET'S GO GREEN BAYABAS! DECENCY!

posted by dyanarcel29 @ 5:31 PM Comments: 1

Behind the Voice
name : dyanarcel
age : 13
school : Mater Carmeli School
hobby : Bowling, Guitar, Hang out with friends, Surf the Net


tag.mer

the.creditr
layout : purple-stream*
picture : Icarus

the.pastr




leave.blogr
blog.skins
Icarus
Heneroso
Karla
Jhed
Rowjie
RC


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.comGet awesome blog templates like this one from BlogSkins.com