..voices inside me..: sportsmanship is needed! no excuses!
Friday, August 25, 2006


sportsmanship is needed! no excuses!

"The crowd goes wild, they jumped, screamed, and cheered."
narito na ang pinakaantay na araw.. ang MCS Intramurals '06-'07.. mOdEsTy vS. dEcEnCy! medyo gagayahin ko nalang ang pagkakapost ng kaibigan kong si mico sa Blog nya! hehehe.. idol ko yun e! hehehe.. hi mico! kung nababasa mo to ngayon! hehhe.. eLo nalang and sori sa post kong ito.. medyo gagayahin ko lang yung iyo.. la kasi akong mapost.. hehehhe.. eto na! balik na tayo sa usapan.. limang laro ang pwedeng salihan.. merong basketball, volleyball, table tennis, badminton, at chess.. nabanggit ko na nga sa nakaraang post ko na kasali ako sa volleyball boys and table tennis singles.. hehhe.. inuulit ko lang po.. hehehe..
nais kong ibahagi sa inyo ang naging resulta ng aming laro..

~ Basketball..
sa Lunes pa ang Laro ng ~'dEcEnCy'~ sa larong basketbol.. hindi pa namin sigurado kung mananalo kami pero sa tingin ko mananalo nga kami! sa tingin ko lang ha! kasi babawi daw yung mga lalaki sa pagkapanalo dahil sa naging resulta ng isang laro namin at mamaya ko na ikukwento ang tungkol dito para hindi masyado mabitin.. hehehe..

~ Volleyball..
gUrLs..
wala.. pulubi mga volleyball girls namin e... karamihan kasi mga hindi marunong ang nakasali.. wala na kasing mas gagaling pa sa mga nakasali.. kaya sila nalang ang pinili.. isa ako dun sa mga hindi marunong! hahaha! pero sabi nila magaling daw ako.. ni hindi nga ako gumagalaw sa court e.. hehehe.. bumabawi lang ako sa service.. pero tatlong bese lang yata nakapasok ang serve ko. hehehe.. pulubi.. dahil sa naging resulta ng aming laro.. natalo kami sa mOdEsTy. halata naman talaga na sila na ang panalo dahil karamihan dun aya magagaling! hehe.. hindi talaga namin kayang talunin ang grupong iyon! kawawa naman kami!

bOyS..
daig pa kami ng mga lalaki! hehehe.. nanalo sila sa laro.. maganda na sana yung laro ng mOdEsTy boys pero ang problema lang sa kanila, laging outside yung mga tira nila! kaya kami nanalo dahil sa kakaoutside ng bola nila! hehehe.. ang nakakatawa dun! sinasalo ng dEcEnCy boys yung boLa.. ginawa ba namang basketbol! hahahha! imbis na itotoss.. sinasalo tapos sabay bato sa net.. pero hindi halata kasi para silang nagfofollow-up pero hindi naman talaga ganun ang itsura.. hehehe.. ok lang yun1 panalo naman! hehehe..

~ Badminton..
SiNgLeS..
sa Lunes na din ang laban namin dito! ang player namin ay maliit! sya yung pinakamaiit sa mga lalaki sa aming klase.. minamaliit sya ng mga kaklase ko.. ako la naman ako ginagawa pinapabayaan ko nalang sila dun! hhehee.. pero magaling sya! akala nyo porket maliit sya! magaling naman! hehehe.. "small but terrible" hehehe.. ewan ko lang kung mananalo sya dahil maliit sya baka mamaya sobrang tangkad ng kalaban nya.. lugi sya! hehehe..

DoUbLeS..
dito naman ay napanalunan namin! akala ko nga talo kami kasi nung huli kong panood doon sa laban nila, tambak sila nanonood kasi ako ng volleyball kaya hindi ko nakita kung ano na ang nagyayari! hehehe.. pero ang maganda dun, panalo parin! hehehe..

*Hindi ko alam kung may division ang boys dito sa badminton.. kung may badminton singles gurls, badminton doubles boys.. or whatever! hehehe! (aba sosyal! "whatever" hahahha!)

~ Table Tennis..
Singles.. gUrLs..
wala pang "announcement" kung kelan ang laban ko.. hehehe.. ako kasi ang player nito.. hehehe.. kinakabahan na nga ako e.. hehehe.. masyadong pressured.. wala pa nga ang laban ko kinakabahan na ako.. kasi baka magaling yung makalaban ko mapahiya pa ako.. wala pa naman akong pagsasanay sa table tennis kahit makhawak at itira ang bola ay hindi ko nagawa.. hehe.. sana nga ay manalo ako at kung matalo man, basta malapit ang puntos ko sa kalabn.. hehe..

Singles.. bOyS..
wala pa ding sinasabi kung kelan ang laban. hindi na nga mapakali ang player namin sa sobrang kaba at mahabang pag-aantay sa parating na araw.. maging maganda sana ang kanyang laro at wag syang masyadong kabahan.. hehehe..

Doubles.. gUrLs..
ang mahirap dito sa doubles sa gurls.. yung isa wala talagang alam tungkol sa table tennis, kung paano ba maglaro, anung rules, paano hawakan ang raketa, at kung anu anu pang mga kabalbalan.. gusto nya raw kasi makasali sa intrams at yun ang pinili nyang salihan.. yung kasama nya sa laro ay medyo marunong naman daw.. siguro nga e talo kami dito dahil diba mahirap mag-doubles sa larong ito?! kailangan salit salit yung pagtira dun diba.. hehe.. hirap kaya nun! kaya nga nagsolo ako.. hehehhe..

Doubles.. bOyS..
isa pa itonmg dalawang players namin. di daw talaga sila marunong.. gusto lang nila makasali sa intrams! ngek! wala na talo na din yata dito! hay! ok lang yan! kaya parin yan!

~ Chess..
bOyS..
aba! panalo kami dito.. hehhe.. ang galing naman kasi ng player namin! hehhe.. matlino at "skillful" hehehe.. madiskarte din pagdating sa logic! hehehe.. salamat po sapagkapanalo mo! hehehe.. tulong din yan sa dEcEnCy! hehehe..

gUrLs..
syempre.. panalo din kami dito! hehehe.. yung president namin ang lumaban e! heheh.. syampre matalino yun! parang yung player din namin sa chess boys.. hehhe.. "matalino na, skillful pa!" heheheh.. idoL!


yun ang kabuuang resulta ng laro namin sa intrams.. hehehe.. panira dun yung volleyball gurls e.. di talaga kasi kami marurunong! isa lang yung varsity namin sa dEcEnCy. e yung kalaban namin, magagaling na nga yung players, may dalawang varsity pa! hehehe.. sa ngayon ang resulta sa aming mga laro sa intrams, isa palang ang TALO at apat yata ang PANALO?! tama ba?! pakibilang nalang po! hehehe nakakatamad e! hehehe.. para sure! tuwangtuwa ako dun sa captain bol ng kalaban namin sa volleyuball gurls kasi nung matatalo na sila, nangangamatis na yung mukha sa sobrang galit dahil hindi hinahabol ng mga lalaki yung bola at laging lumalabas sa court yung tira nila! sigaw sya ng sigaw sa sobrang galit! para ba sya yun"BOSSING" ng mOdEsTy! hehehe.. ako'y magpapaalam na! masyado ng mahaba ang post ko! hehe.. sa tingin ko, ito yata ang pinakamahaba k0ng post sa ngayon.. hehehe.. o sya! sige at ako'y magpapahinga na! hehehe!!! paalam! LET'S GO GREEN BAYABAS! DECENCY!

posted by dyanarcel29 @ 5:31 PM Comments: 1

Behind the Voice
name : dyanarcel
age : 13
school : Mater Carmeli School
hobby : Bowling, Guitar, Hang out with friends, Surf the Net


tag.mer

the.creditr
layout : purple-stream*
picture : Icarus

the.pastr




leave.blogr
blog.skins
Icarus
Heneroso
Karla
Jhed
Rowjie
RC


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.comGet awesome blog templates like this one from BlogSkins.com