Wednesday, February 03, 2010
College Life..Am I Ready??
huhuhuh..malapit na akong magcollege.. 4 months to go.. Kabado na Excited. Excited kasi meron nang FREEEEEEDOOOOM!! :> hahaha! kabado kasi bago lahat. bagong school, bagong mga guro, kaibigan, community.. hindi pa naman ako madaling makipagkaibigan.. :O kaya nga ayokong maging transferee nitong mga nalipas na school years..mahirap kasi baguhan ka lang sa lugar na yun..nakakatakot din kasi hindi ko alam kung saang school ba talaga ako. may magagandang school nga pero delikado o kaya naman, wala dun yung gusto kong course..hirap talaga. parang touch move. :O hahaha. feeling ko naman, makakasurvive ako. :D tapos ayun nga, yung friends...nakakahiya kasi eh.. hahaha. san sa college, may maging kaklase ako na kilala ko na para hindi na mahirap maghanap ng kausap. :)) bongga yun! :))nakakamiss siguro yung high school life..wala na kasi yung mga teachers na nag-aalala sa'yo kapag nag-absent ka, yung nagbibigay pa ng considerations sa mga quizzes or exams, yung pangongopya sa kaklase tuwing umaga, at kung anu ano pa. parang sa college, sari-sarili na yan. hindi ka na pwedeng basta basta na lang na nagdedepende sa kaklase o sa kung sino man.. hay grabe, nakaklungkot. hahhaha! hirap talaga pag patanda na ng patanda oh... pahirap nang pahirap lahat. :O buti pa yung mga pre-school students eh 'no? hindi nila namamalayan na natututo na sila sa mga activities ng teachers para sa kanila. hahha. asteegg! :ppagkatpos ng college, trabaho na.. hala grabe, ang sarap maging bata..wala masyadong gagawin. wahaha! tatamad-tamad. :)) joke lang! siyempre, ang masasya sa pagiging grown up eh yung pwede ka na rin magdesisyon para sa sarili mo. hindi ka na dinadamitan ng magulang mo. :)) pwede ka nang gumala-gala.. ok rin siguro ang maging grown up.. :) sana naman maging maayos ang lahat... :)