..voices inside me..: destroying guitars
Saturday, November 04, 2006


destroying guitars

kahapon, nov. 3, 2006. sa kabilang section ng freshmen. ang section ng "purity" kami nagppaint at gumagawa kami ng banner para sa foundation day. kami ang naka-assign gumawa ng banner at dun kami pinapagawa sa room ng purity. e balita namin, mahirap daw ang buhay ng purity dahil lagi daw napapagalitan, laging pinag-iinitan, laging nababanggit ang pangalan. haha! hirap nga! buti nalang di ako purity. hehe..

dahil walang magawa ang boys ng purity, napaginitan nila yung gitara ng kaklase. napansin kasi nilang sira na ito at ay basag na...
dahil kulang daw yung strings, dadalawa nalang yata yung nakakabit. yung G at E na strings, ginupit nila yung mga string at pinaglaruan yung string! haha! walang magawa e! nasaksihan ko yun! haha! hirap n hirap pa silang gupitin uyung string! haha! pagkatapos nun, sinabi ko sa kaklase kong naggigitara din, "sayang naman yung strings, mahal kaya nun! " haha! para sakin kasi mahal yun! tpos pinagsasalu-salo nila yung gitara e sinadya daw na di saluhin nung isa yung gitara, ayun! bumagsak! *blagag! (haha! parang bowling lang! nyahaha!!) bumuka lalo yung likod! haha! sirang sira na yung gitara! haha! ayun! pinagsisisipa na nila! haha!! hanggang sa masira na. e yung isang kaklase nila, kinuha ung gitara, hinawakan sa fret board at hinampas sa locker! haha! e sa sobrang ingay ng paghampas nya, dumating ang guro na nagmula sa faculty room. (katabi lang kasi ng purity ang faculty room). haha! huling huli sya. kitang kita ng teacher ang ginagawa nya sa gitara! haha! kaya yung locker, lumubog yung pinto tapos yung gitara ay di na gitar. haha! di mo na sya matatawag na gitara! haha!! "fret board" nalang! hahaha!! ayun! nanarrative sila at pinadala sa prefect of discipline!

sayang talaga yung gitara. sabi naman daw nila, mayaman naman daw yung may ari. marami daw syang gitara sa bahay nila. haha! sabi pa nga nya pagkatapos na paginitan yung gitara nya, "di bale, may bass naman ako" haha! yabang!!! pero yung gitara e yung mga mumurahin lang na gitara na mabibili sa sm na yung mga shops nila e matatagpuan lang sa gitna ng mga hallways sa sm. yung mga weinstien guitars! haha!

muntik na nga ako bilhan ng dad ko ng gitara mula dun! haha! yoko nga! di ko gusto yung tunog! mahina!! pag dinala ko sa skul, di ko maririnig kapag na plucking ako! salamat naman! haha! kasi niyaya ko sya sa ibang lugar. sa lazer! haha! sabi daw kasi ng iba mahal daw sa jb! hehe.. basta! ang saya kahapon. pero nakakapanghinayang yung gitara! sayang! tsk.. tsk..

posted by dyanarcel29 @ 8:38 AM Comments: 2

Behind the Voice
name : dyanarcel
age : 13
school : Mater Carmeli School
hobby : Bowling, Guitar, Hang out with friends, Surf the Net


tag.mer

the.creditr
layout : purple-stream*
picture : Icarus

the.pastr




leave.blogr
blog.skins
Icarus
Heneroso
Karla
Jhed
Rowjie
RC


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.comGet awesome blog templates like this one from BlogSkins.com