Monday, February 08, 2010
A Very Addicting Game.. O.o)
*tantananaaaaaan!! PLANTS VS. ZOMBIES! :D
sobrang nakakaadik at masayang laro. pag wala akong libangan, ito nilalaro ko. hahaha! ang kukyuuuut pa ng plants kaya nakakatuwa din. lalo na yung malaking mushroom na violet. ang cute nun!! :D wahahaha! uhhh, hindi pa naman ako nakakalayo pero pwede na.
konti pa lang yung plants ko sa zen garden. nakakainggit yung sa kuya ko eh, milyon milyon na yung pera kaya yun na lang minsan yung nilalaro ko. :))
kung sino man nag-imbento ng larong 'to, I salute you! siguro malakas 'to ngayon? hehehe. basta, kung hindi niyo pa nasusubukan ito, oras na para subukan niyo. napaguhulihan na kayooo!! hindi maganda yun! hahahha!
hindi pa ko masyado nakakalayo pero nahihirapan na ako sa ibang levels.. good luck na lang sa'kin. :)) oh siya. wala na akong masabi. byyyeeeeeiiii! :p
Battle of the Bands 2009
Introducing: JUALA BAND composed of Bless on Vocals, Imma on Lead, Dyan on Bass, Zendi on Rhythms, and Chichi on Drums.
"I Miss You sooooo.. I Miss You sooooo... I Miss You soooo.. Woooohhooo..."
nakakamiss. :) lyrics taken form the song CAROUSEL by Paramita. yun namn yung tinugtog namin noong BOTB 2008. Unfortunately, hindi kami nanalo ng kahit anong place. Pati rin nitong 2009, hindi rin kami nanalo. :)) sayang nga eh...expected ko pa naman na may makukuha kami kahit 3rd lang.. The Good News is, kami ang pinili ng madla! We won the PEOPLE'S CHOICE AWARD for 2 consecutive years (2008-2009). Hindi naman siya mayabang niyan eh 'no? :)) masaya na rin yun 'no! last year nga, mas malaki pa yung prize namin sa champion eh. oh diba, bongga! ang kailangan lang naman eh paramihan ng piso na galing sa madla. At dahil walang barya, kami pa ang nagpapabarya sa kung saan saan at nakaabot na kami sa banko. :)) pero ayos lang. road trip din yun! hahha.
Contest Proper: hay grabe! una yata kami tumugtog nito kaya nakakakaba. naninigas at nanlalamig pa ang mga daliri ko at sadly, hindi ko nagawa ng matino yung solo ko dahil sobrang naninigas yung mga daliri ko...T_T yun pa naman yung paborito ko.. pero, hindi naman yata nahalata kasi mahina yung amplifier ko! hahahaha! dapat nga malakas kasi ako yung magdadala ng kanta. :O pero ok na rin yun, hindi nahalata yung pagkakamali... =))
Oo nga pala, ang tinugtog pala namin ay BATA by Moonstar 88. 2nd favorite after Carousel. hahahaha! tapos yung 2nd piece naman eh HAY NAKU by Silent Sanctuary. Wag na yun, nevermind. :)) lahat ng bandang tumugtog, ayaw sa kantang yun. hahahahha!! basta, masaya rin naman yung experience. an experience I'll never forget. :)
Tumotodong Field Trip!
WELCOME TO LAGUNA! :)
yahoo! field trip sa laguna particularly sa forest club. This was taken last November pa at ngayon ko lang pinost. haha, pasensiya. wala kasing time. Masasayang activities ang ginawa namin tulad ng Canopy walking, Obstacle courses, Bamboo rafting, Mud crawling, swimming, etc. matagal na 'to kaya hindi ko na maalala yung iba. Ito na ata ang pinakamasayang field trip ko! At ito na rin ang isa sa mga memorable moments ko sa high school. nyahahaha!
Paborito ko diyan yung mud crawling. kadiriiiiii!!!! pero masaya! mabaho nga lang yung mud at hindi na siya mud---canal na nga ata eh. sa sobrang dami ng tubig. OVER! hahah! nagsipasukan na yung dumi sa kuko ko at nagsiitiman yung mga suot naming panloob. Nahirapan na rin kami sa paglaba ng PE pants at jerseys namin. buti na lang, black yung jersey namin. woohooo! Sana maulit muli! KALIRAYA NAMAN! ;D
Wednesday, February 03, 2010
College Life..Am I Ready??
huhuhuh..malapit na akong magcollege.. 4 months to go.. Kabado na Excited. Excited kasi meron nang FREEEEEEDOOOOM!! :> hahaha! kabado kasi bago lahat. bagong school, bagong mga guro, kaibigan, community.. hindi pa naman ako madaling makipagkaibigan.. :O kaya nga ayokong maging transferee nitong mga nalipas na school years..mahirap kasi baguhan ka lang sa lugar na yun..nakakatakot din kasi hindi ko alam kung saang school ba talaga ako. may magagandang school nga pero delikado o kaya naman, wala dun yung gusto kong course..hirap talaga. parang touch move. :O hahaha. feeling ko naman, makakasurvive ako. :D tapos ayun nga, yung friends...nakakahiya kasi eh.. hahaha. san sa college, may maging kaklase ako na kilala ko na para hindi na mahirap maghanap ng kausap. :)) bongga yun! :))nakakamiss siguro yung high school life..wala na kasi yung mga teachers na nag-aalala sa'yo kapag nag-absent ka, yung nagbibigay pa ng considerations sa mga quizzes or exams, yung pangongopya sa kaklase tuwing umaga, at kung anu ano pa. parang sa college, sari-sarili na yan. hindi ka na pwedeng basta basta na lang na nagdedepende sa kaklase o sa kung sino man.. hay grabe, nakaklungkot. hahhaha! hirap talaga pag patanda na ng patanda oh... pahirap nang pahirap lahat. :O buti pa yung mga pre-school students eh 'no? hindi nila namamalayan na natututo na sila sa mga activities ng teachers para sa kanila. hahha. asteegg! :ppagkatpos ng college, trabaho na.. hala grabe, ang sarap maging bata..wala masyadong gagawin. wahaha! tatamad-tamad. :)) joke lang! siyempre, ang masasya sa pagiging grown up eh yung pwede ka na rin magdesisyon para sa sarili mo. hindi ka na dinadamitan ng magulang mo. :)) pwede ka nang gumala-gala.. ok rin siguro ang maging grown up.. :) sana naman maging maayos ang lahat... :)
Nagbabalik :>
dandandaaaaaan!! i'm baaack!
this time, fourth year high school na ako. malapit na magcollege... :S huhuhu..nakakakaba.. ok lang ba dun? mahirap? madali? ano?? :(( marami na ring nagbago pagkalipas ng tatlong taon. haha. nung binasa ko ulit ung mga posts ko, grabe! first year pa pala ako nun. nawalan na kasi ako ng oras sa pagbblog..tsaka wala akong masabi. :O hindi ko naman talaga hilig 'to eh. sinubukan ko lang kasi nakita ko yung kuya ko na naggaganito. ayun, gaya gaya. wala tuloy nangyari. :)) Sabi ko nga kanina, marami nang nagbago.. paboritong kulay, paboritong pagkain, interests, ugali(:D), porma, blah blah blah..cheverloo. :p parang dati, tagalog na tagalog ako magpost. ngayon kasi, ang hirap pa mag-isip ng tagalog words eh. :)) ang hirap hirap nga magsalin eh. pagsasaling wika nga yung topic namin sa filipino eh.. Mehhhhn! sobrang hirap @_@ haaaaay. nakakabaliw yun. Nagbago rin yung paborito kong pagkain. uhm, hindi naman totally na nagbago, nadagdagan lang pala. hahaha. tapos hindi na ako kuntento ngayon sa color violet lang. dapat laging may kasamang blue. :)) sa interests naman, isang dahilan ng pagdagdag ay nung mga oras na nag-iisip ako ng course para sa college. tapos yung banda namin, going strong na! :) the JUALA BAND :D weeeeeee! hahahha!hindi naman natin mapipigilan yung pagbabago diba? ayon nga kay sir romy, ang teacher ko sa values education nung second year ako, "Nothing is permanent in the world except change." Bongga! haha. kaya naisip ko, hindi naman siguro parating masusunod yung "sana hindi ka magbabago." normal na sa atin yung pagbabago eh. hehe.*eeeekk! *ayoko na!!! it's so serious!!! =))
sige na, wala na akong masabi. :O byeeeeeiiiii!!! :))