..voices inside me..: August 2006
Friday, August 25, 2006


sportsmanship is needed! no excuses!

"The crowd goes wild, they jumped, screamed, and cheered."
narito na ang pinakaantay na araw.. ang MCS Intramurals '06-'07.. mOdEsTy vS. dEcEnCy! medyo gagayahin ko nalang ang pagkakapost ng kaibigan kong si mico sa Blog nya! hehehe.. idol ko yun e! hehehe.. hi mico! kung nababasa mo to ngayon! hehhe.. eLo nalang and sori sa post kong ito.. medyo gagayahin ko lang yung iyo.. la kasi akong mapost.. hehehhe.. eto na! balik na tayo sa usapan.. limang laro ang pwedeng salihan.. merong basketball, volleyball, table tennis, badminton, at chess.. nabanggit ko na nga sa nakaraang post ko na kasali ako sa volleyball boys and table tennis singles.. hehhe.. inuulit ko lang po.. hehehe..
nais kong ibahagi sa inyo ang naging resulta ng aming laro..

~ Basketball..
sa Lunes pa ang Laro ng ~'dEcEnCy'~ sa larong basketbol.. hindi pa namin sigurado kung mananalo kami pero sa tingin ko mananalo nga kami! sa tingin ko lang ha! kasi babawi daw yung mga lalaki sa pagkapanalo dahil sa naging resulta ng isang laro namin at mamaya ko na ikukwento ang tungkol dito para hindi masyado mabitin.. hehehe..

~ Volleyball..
gUrLs..
wala.. pulubi mga volleyball girls namin e... karamihan kasi mga hindi marunong ang nakasali.. wala na kasing mas gagaling pa sa mga nakasali.. kaya sila nalang ang pinili.. isa ako dun sa mga hindi marunong! hahaha! pero sabi nila magaling daw ako.. ni hindi nga ako gumagalaw sa court e.. hehehe.. bumabawi lang ako sa service.. pero tatlong bese lang yata nakapasok ang serve ko. hehehe.. pulubi.. dahil sa naging resulta ng aming laro.. natalo kami sa mOdEsTy. halata naman talaga na sila na ang panalo dahil karamihan dun aya magagaling! hehe.. hindi talaga namin kayang talunin ang grupong iyon! kawawa naman kami!

bOyS..
daig pa kami ng mga lalaki! hehehe.. nanalo sila sa laro.. maganda na sana yung laro ng mOdEsTy boys pero ang problema lang sa kanila, laging outside yung mga tira nila! kaya kami nanalo dahil sa kakaoutside ng bola nila! hehehe.. ang nakakatawa dun! sinasalo ng dEcEnCy boys yung boLa.. ginawa ba namang basketbol! hahahha! imbis na itotoss.. sinasalo tapos sabay bato sa net.. pero hindi halata kasi para silang nagfofollow-up pero hindi naman talaga ganun ang itsura.. hehehe.. ok lang yun1 panalo naman! hehehe..

~ Badminton..
SiNgLeS..
sa Lunes na din ang laban namin dito! ang player namin ay maliit! sya yung pinakamaiit sa mga lalaki sa aming klase.. minamaliit sya ng mga kaklase ko.. ako la naman ako ginagawa pinapabayaan ko nalang sila dun! hhehee.. pero magaling sya! akala nyo porket maliit sya! magaling naman! hehehe.. "small but terrible" hehehe.. ewan ko lang kung mananalo sya dahil maliit sya baka mamaya sobrang tangkad ng kalaban nya.. lugi sya! hehehe..

DoUbLeS..
dito naman ay napanalunan namin! akala ko nga talo kami kasi nung huli kong panood doon sa laban nila, tambak sila nanonood kasi ako ng volleyball kaya hindi ko nakita kung ano na ang nagyayari! hehehe.. pero ang maganda dun, panalo parin! hehehe..

*Hindi ko alam kung may division ang boys dito sa badminton.. kung may badminton singles gurls, badminton doubles boys.. or whatever! hehehe! (aba sosyal! "whatever" hahahha!)

~ Table Tennis..
Singles.. gUrLs..
wala pang "announcement" kung kelan ang laban ko.. hehehe.. ako kasi ang player nito.. hehehe.. kinakabahan na nga ako e.. hehehe.. masyadong pressured.. wala pa nga ang laban ko kinakabahan na ako.. kasi baka magaling yung makalaban ko mapahiya pa ako.. wala pa naman akong pagsasanay sa table tennis kahit makhawak at itira ang bola ay hindi ko nagawa.. hehe.. sana nga ay manalo ako at kung matalo man, basta malapit ang puntos ko sa kalabn.. hehe..

Singles.. bOyS..
wala pa ding sinasabi kung kelan ang laban. hindi na nga mapakali ang player namin sa sobrang kaba at mahabang pag-aantay sa parating na araw.. maging maganda sana ang kanyang laro at wag syang masyadong kabahan.. hehehe..

Doubles.. gUrLs..
ang mahirap dito sa doubles sa gurls.. yung isa wala talagang alam tungkol sa table tennis, kung paano ba maglaro, anung rules, paano hawakan ang raketa, at kung anu anu pang mga kabalbalan.. gusto nya raw kasi makasali sa intrams at yun ang pinili nyang salihan.. yung kasama nya sa laro ay medyo marunong naman daw.. siguro nga e talo kami dito dahil diba mahirap mag-doubles sa larong ito?! kailangan salit salit yung pagtira dun diba.. hehe.. hirap kaya nun! kaya nga nagsolo ako.. hehehhe..

Doubles.. bOyS..
isa pa itonmg dalawang players namin. di daw talaga sila marunong.. gusto lang nila makasali sa intrams! ngek! wala na talo na din yata dito! hay! ok lang yan! kaya parin yan!

~ Chess..
bOyS..
aba! panalo kami dito.. hehhe.. ang galing naman kasi ng player namin! hehhe.. matlino at "skillful" hehehe.. madiskarte din pagdating sa logic! hehehe.. salamat po sapagkapanalo mo! hehehe.. tulong din yan sa dEcEnCy! hehehe..

gUrLs..
syempre.. panalo din kami dito! hehehe.. yung president namin ang lumaban e! heheh.. syampre matalino yun! parang yung player din namin sa chess boys.. hehhe.. "matalino na, skillful pa!" heheheh.. idoL!


yun ang kabuuang resulta ng laro namin sa intrams.. hehehe.. panira dun yung volleyball gurls e.. di talaga kasi kami marurunong! isa lang yung varsity namin sa dEcEnCy. e yung kalaban namin, magagaling na nga yung players, may dalawang varsity pa! hehehe.. sa ngayon ang resulta sa aming mga laro sa intrams, isa palang ang TALO at apat yata ang PANALO?! tama ba?! pakibilang nalang po! hehehe nakakatamad e! hehehe.. para sure! tuwangtuwa ako dun sa captain bol ng kalaban namin sa volleyuball gurls kasi nung matatalo na sila, nangangamatis na yung mukha sa sobrang galit dahil hindi hinahabol ng mga lalaki yung bola at laging lumalabas sa court yung tira nila! sigaw sya ng sigaw sa sobrang galit! para ba sya yun"BOSSING" ng mOdEsTy! hehehe.. ako'y magpapaalam na! masyado ng mahaba ang post ko! hehe.. sa tingin ko, ito yata ang pinakamahaba k0ng post sa ngayon.. hehehe.. o sya! sige at ako'y magpapahinga na! hehehe!!! paalam! LET'S GO GREEN BAYABAS! DECENCY!

posted by dyanarcel29 @ 5:31 PM Comments: 1

Monday, August 21, 2006


God, help me make the right decissions

Ngayong araw ang simula ng pagsasanay namin sa bowling sponsorship.. sabi nga ni kuya icarus.. “we need to make the right decisions”. Yun ay ayon sa sinulat nya sa kanyang blog na nagngangalang “Decisions, Decisions” ayon sa kanya, hindi nya malaman kung ano ba dapat ang tamang desisyon na gagawin na kung saan gagampanan nya ito ng tama, mamahalin nya at sisiryosohin nya. Hindi nga naman talaga ganun kadali gumawa ng isang desisyon, kailangan mapili ang nararapat. Katulad nalang ni kuya icarus.. hehehe.. dapat mapili ang nararapat sa “blogger of the week” hehehe.. suportahan at tulungan po natin sya.. magaganda naman po ang mga sulat nya.. magaling sya magsulat kung mababasa nyo lang sa http://icarus05.blogspot.com iboto naman natin sya sa http://salaswildthoughts.blogspot.com hehe.. “nagplug!” hahahaha!! Tulungan po natin sya!

Ngayo’y bumalik na tayo sa usapan.. ako naman ay gusto ko talagang makasali sa sponsorship na ito kaya gagawin ko talaga ito.. pero dahil sobrang bisi na ako.. baka hindi ko na magampanan ang mga ito..
syempre nandyan ang pagaaral ko.. baka lalong bumagsak ang aking mga grado
sumunod naman ay ang kalusugan ko, araw araw ay gumigising ako ng maaga. kapag sabado at linggo ay pumupunta ako sa pagsasanay ko sa philippine bowling sa rizal. kapag lunes hanggang biyernes naman ay pumapasok ako sa paaralan. buti nalang at walang pasok ngayon dahil araw ng kamatayan ni ninoy aquino.. hehe tama ba?! hehe.. ngayon lang ang araw na nakapagpahinga ako at nakatulog ng maayos..
salamat naman!
sunod naman dun ay ang talento ko sa pagbobowling.. dahil halos araw araw yata ay may pagsasanay ako.. kakasabi ko nga lang kanina na tuwing sabado at linggo ay may pagsasanay ako sa rizal at simula ngayon dahil simula na mamaya ang aming bowling sponsorship siguro may pagsasanay kami tuwing MWF. hay! kakapagod na ang buhay ko! sana kahit ganito kasikip ang aking ginagawa, may oras parin ako sa pagbblog,sa pamilya, sa mga kaibigan, at kay Lord.. hay! san ay may tumulong sa akin!

posted by dyanarcel29 @ 10:27 AM Comments: 3

Friday, August 18, 2006


Mater Carmeli School intamurals 'o6-'o7

kanina ay nagsimula ang pinakaaantay na araw ng halos lahat ng mga estudyante mula sa mataas na antas hindi ko alam kung tama ba yan pero ito rin ay mas kilala sa pagtawag ng "high school students" at ako ay mula sa 1st yr. Decency
ako ay kasali sa larong "volleyball" at "table tennis" hindi ko yata kaya yung sa "volleyball" dahil hindi ako marunong magumpisa ng tira.. laging bitin o kaya naman ay laging tumatama sa net.
sa "table tennis" naman ay pwede na rin sa akin.. hindi ko alam kung saan ako sasali.. sa "singles" o sa "doubles" pero ang desisyon ko sa nagyon ay sumali nalang ako sa isahang laro.. kanina naman ay may laban ang deceny sa chess at sa awa ng diyos ay nanalo naman kami.. nyahahaha! sa martes ay may laban din kami para sa "volleyball boys" muntikan nanaman kami sa magaganap..
kinakabahan ang lahat.. pero kayang kaya yan!

hahaha!! syempre ang decency yata ang pinaka "unique" na pangalan. ang decency ay ang.. "GREEN BAYABAS" hahaha!! maganda naman sabi ng kaklase ko.. nakuha nya raw yon sa SSA.. pero kung tga SSA yung nagbabasa nitong storya ko ngayon.. nais ko sanang pakiusapan ka na hiramin ang inyong pangalan.. nyahahaha!!! sana ay manawaan mo at payagan mo kaming kunin ang inyong pangalan.. dahil nakapagpagawa na kami ng aming uniporme para sa nasabing palaro.. kalat na rin sa buong paaralan ang "green bayabas" kaya pangit naman kung papalitan pa namin ang aming pangalan.. sana nga ay pumayag kayo.. di bale.. balik tayo sa usapan..sana kapag natapos ang palarong ito sa aming paaralan, sana meron paring respeto ang bawat isa sa kapwa kalimutan nalang nila ang pangyayari kung natalo man sila.. balik sa dating gawain.. wag ng isipin na madaya si *ganyan* at magkakagulo pa sa buong paaralan.. sana nga ang lahat ay magkaunawaan at matanggap nila ang mga resulta sa laro kung sino ang panalo at talo.. hanggang dito nalang ako.. pumapanget na ang istorya ko.. wala kasi akong maisip na magandang ikukwento sa inyo.. hehe.. san sa susunod na istorya ko ay gumanda naman kahit papaano..

posted by dyanarcel29 @ 5:13 PM Comments: 1

Monday, August 14, 2006


wag kaming tutularan

dahil sa walang magawa sa loob ng silid-aralan namin at nakakabagot ang gawain dun.. pero di naman lahat.. kami ay nakabuo ng mga panibagong salita dahil wala kaming magawa sa buhay..
nais ko sanang ibahagi sa inyo ang pangyayaring naganap na ito sa aming mga baliw at walang magawa sa buhay na mga estudyante.. unang ungang nagsimula ang ganitong kabaliwan at kabalastugan kay "Camille Edde Arquero" dahil sya ang isa sa mga pinaka makulit sa klasrum.. ang alam ko kasama ako dun pero pag walang guro ay makulit talaga ako!! nyahaha!! "TUPPERWARE" nyahahaha!! sa sobrang kakulitan, e napapagaya na ako kay camille at nakakapag imbento na rin ako ng mga salitang wala namang maparoroonan tulad ng..

  • tubig na walang swimming pool.. (ito ang unang unang nabuo ni camille na salitang wala namang maroroonan.. )
  • walang hangganang bangin na may 1500 ft ang lalim.. ( ako ang gumawa nitong salitang ito dahil ginagaya ko si camille )
  • my bleeding is nose ( ito ay naimbento ni mia dahil napahawa na ako sa kanya )
  • buyugyog ( ito ay nagsimula kay baham na dapat ay ang pagkabigkas ay "bubuyog" )
  • Dyu-nniper (mula sa panganlang "jennifer" na ginawa nagawa ni camille.. pero ako ang nakagawa ng pagbabaybay dahil ang kanya ay j-u-n-n-i-p-e-r at akin ay dyu-u-n-n-i-p-e-r )
  • Jinggol ( nakuha ko sa palabas sa gma7 na tinatawag na "bahay mo ba 'to" tuwing martes ng gabi.. ang totoong pagkakabigkas nito ay "jinggle" )
  • Destista ( ang nakabuo nanaman nitong salita ay si camille parati nagtanung sya sa amin kung may destista ba sa loob ng paaralan at dun nagsimula ang salitang yun! )
  • Tefelone ( nabuo ni mia ang salitang ito dahil wala nga syang magawa sa buhay! )
  • Calucator ( inimbento ni arlu ang salitang ito na mula sa salitang "calculator" )
  • No U-turn at the u-turn slot ( ako ang nakaimbento neto! sa una kasi akala ko tama ang sagot ko pero pag inunawaan mo'y miintindihan mong mali pala! )
  • sidwuk ( binasa ni mark ang salitang "sidewalk" at yan ang kinalabasan )
  • Lubi ( isa pa tong binasa ni mark dahil wala nga syang magawa nagsimula ito sa salitang "Lobby" )
  • Lundj ( ginawa din ito ni mark puro kalokohan talaga! hahahaha!! eto naman ay galing sa salitang "Lounge" )
  • duri ( mula sa salitang "dowry" na binuo ni mark )
  • tweet tweet (ibinigkas naman ito ni regine mula sa salitang "sweet sweet" )
  • Leesol (nagmula ito sa salitang "Lysol" yung "room spray" yata yu.. basta yung pamapabango ng kwarto. ito ay ginawa ni camille )
  • Potology (galing sa salitang "Topology" na binigkas ni regine )
  • bulat (ako nanaman ang nakagawa nitong salitang ito! na nagmula sa salitang "balat" )
  • yougoverder (binuo ni gurong jerome barquin, ang guro namin sa "english" wala kayo dun! guro ng ingles pa yun! hahahaha! dapat na saliang sasabihin nya ay "you go over there" )
  • domainat (nabuo ni camille itong salitang ito na mula sa salitang "dominant" hahaha! )
  • fillet (ang pagkabigkas po nito ay "fi-ley" mabagal po yung pagbigkas dahil ang dapat na binigkas jan ay "free play" na binuo ni irnsh )

sa paglipas ng bawat segundo.. biglang nagkuwento si ronnie tungkol sa dati nyang kaklase noong ikalimang antas sa elmentarya na tinawagan nya sa kanilang bahay.. at nung pagkatawag ni ronnie hindi nya nabanggit sa amin kung lalaki o babae ang nakasagot sa telepono.. tinanong ni ronnie kung nasaan ang kaklase sabay tawag ng "TUTOY! may tawag ka sa telepono!" may sumagot sa na isa yata sa kanilang mga kasambahay aty sumagot na "teka lang! TUMATAE!'' nyahahahaha!! bastos! pasensya uli sa salita! hehehe.. nakakatuwa lang kasing ibahagi ko sa inyo ang mga ito ng sa gayon ay umayos ang buhay nyo hangga't maaga pa dahil kayo rin! baka mapagaya kayo sa amin! mga walang magawa sa buhay kundi bumuo ng mga panibagong salita! pasensya na sa nasaktan o natamaan dun sa salitang "totoy" kung binabasa mo to ngayon.. hehehe..


posted by dyanarcel29 @ 5:29 PM Comments: 0

Thursday, August 10, 2006


ipakita ang tunay na katalinuhan!

araw na ng mahabang pagsusulit.. o pamilyar sa ating tinatawag na "1st quarterly exams" o kaya naman "1st peiodical test" (tama ba?!) hehehe... "kinakabahan na ang lahat sa araw na parating..di alam kung ano ang dapat gawin.. nagiging "curious" sa mga tanong na nakalagay sa papel..

pagdating ng araw.. nagaalinlangan sa mga sagot na ilalagay.. hindi mapilit na pag-aralin ang sarili sa magaganap na araw.. pero kailangan din itong gawin para pumasa..
magtiis ng kahit kakaunting araw lang.. matatamo na rin ang mga ninanais na mga pangarap balang araw.. siguraduhin ang ilalagay na sagot...

*yan ang laging sinasabi sakin ng magulang ko at mga kaibigan..
na kailanagang pagbutihin ang pagsasagot sa papel.. pero bakit ba talaga dapat galingan? pag bumagsak ka naman pwede ka pang bumawi sa ibang mga gawain diba? pero wag kayong sumunod sa payo ko.. hehehe.. baka mamaya ay ibagsak nyo nga ang mahabang pagsususlit at hindi nyo galingan para hindi pumasa dahil babawi sa susunod na mahabang pagsusulit at sa ibang maiikling mga pagsusulit at sa "recitation".. pero para sakin, mas mahirap bumawi sa recitation.. mahiyain ako kasi.. kapag alam na alam ko nga talaga ang sagot sa tanong ng guro.. hindi ako sumasagot kasi baka mali ang sagot ko.. pero laging payo ng mga guro sa atin na

"wag kayong mahiyang sumagot sa mga tanong ko.. pwede naman sakin kahit mali ang sagot nyo basta makipagkoopera kayo, pwede na sa akin yun.. walang mahihiya sa akin ha! mga walang hiya naman tayong lahat e!"
hehehe.. pasensya na po sa nasabi kong salita.. "censored" "censored"
ayan hehehe.. burado na!

pero pwede na rin yun kasi sinama nya yung sarili nya na isa sya sa mga walang hiya sa klase.. hehehe... tanggap na naming lahat yun.. sya naman ang nagsabi e..
nyahihihihihihi!! para sa akin.. mas magaling ako sa "written recitation" kesa sa "recitation" hehehhe.. di ko po alam kung anung tawag e.. heheheh.. kasi nga mahiyain ako at sa mga pagsusulit ko nailalabas ang katalinuhan ko!! naks naman! heheheh..pero minsan bagsak ako sa pagsusulit kasi nakakatamad makinig sa bawat sermon ng guro.. nakakaantok kaya lumilipad ang isip ko kapag nagsasalita ang mga guro.. para bang.. "physically present but mentally absent" hehehe.. yung ganun ba.. hehehehe.. ang layo na ng usapan natin heheh..unang usapan e ang mahabang pagsusulit.. hehehe.. anu pa bang masasabi ko? wala na po! pwede na ba yung mga sinabi ko? eto pa.. galingan ang pagsasagot sa m,ahabang pagsusulit ha! wag nyo sundin ang sinabi ko kanina na bumagsak sa mahabang pagsusulit at bumawi sa maiikling pagsusulit, mga proyekto at "recitations" hehehe.. salamat po...
bow!!

posted by dyanarcel29 @ 12:04 PM Comments: 4

Friday, August 04, 2006


it was like yesterday since we've first met

..nakakalungkot mang ikuwento..

"katext" ko ang aking kaibigan..para mangamusta
dahil lilipat na sila sa ireland..
kahapon nga ay nagpadespidida sya.. pero sabi nung mga kaklase kong dumalo, hindi raw natuloy.. pero pumunta pa rin sila para kamustahin ang kaibigan namin..isa sa mga kaklase kong miyembro ng tropang "orange and melons" ay niyakap ang kaibigan namin..sabi nya malungkot daw na malungkot ang lahat dahil sa naging s desisyon ng pamilya..katext ko sya kaninang umaga at tinanong ko sa kanya kung anung pakiramdam nya?? excited? nervous? ang sagot.. "malungkot na masaya na excited na nervous na nervous.." hindi nya masabi kung ano ba ang dapat na maramdaman sa araw ng pag-alis nya.. nabawasan na naman ang tropa namin.. nawala itong kaibigan ko..parang ang dating kaklase namin noong grade 6.. si patricia capellan..lumipat sya ng ibang eskuwelahan.. hindi nya kagustuhan ang naging desisyon, malungkot sya nung graduation..parang ayaw pa nyang dumating ang araw ng graduation day namin.. dahil ayaw pa nyang mawal sa mcs..
balik tayo sa usapan.. bago sya umalis kanina.. binigyan nya kami lahat tig-iisa ng sulat..
ang pagkakasabi nya sa sulat..

"wag na kayo mag-alala sakin.. kahit malayo na ako sa inyo, kasama nyo parin ako..
makakapagusap pa naman tayo e.. sa YM o pwede nyo naman akong itext..
basta tandaan nyong lagi ako nanjan..
syampre di ko kaya iiwan! ang orange and melons pa!.. syempre katropa ko yan e..
babalik pa naman ako para makapiling uli ang tropa..
basta ituloy nyo lang pagja-jamming kahit wala na ko..
kunyari nalang na nandun ako.. nakikikanta..
sa bawat pagbigkas ng mga salita..
asahan nyong nandun ako..
sana ay maging masaya pa rin akyo kahit wala na ko jan..
sana ipagpatuloy nyo lang ang mga ginagawa nyong kabutihan at wag nyo na ako masyadong alalahanin.. nandito naman ang buong pamilya ko para sumuporta sa bawat pagsubok na aking gagawin.. nandito rin sila para ako'y mahalin at alagaan..
maraming salamat sa lahat!!"

bago matapos ang sulat.. may nakasingit pa sa dulong paalala..

"bago matapos ang sulat ko sa inyo at mawalan na ng espasyo itong papel na sinusulatan ko..nais ko sanang malaman nyo na mahal ko kayong lahat! buo pa rin ang orange and melons kahit wala na kami ni pat sa mcs.. anu man ang mangyari.. hinding hindi ko kayo kakalimutan.. at sana ganun din ang pakiramdam nyo sana di nyo rin ako makalimutan.. na ako lang ang octo_pusit sa buhay nyo.. maraming maraming salamt sa lahat ng ginawa nyo para sa akin.. sana naiintindihan nyo na kung bakit ako umaalis.. paalam na sa inyong lahat.. sana ay lagi akong nasa piling nyo kahit wala ako jan.. salamat..
orange and melons.. galingan nyo pa ha!! kelangan pagbalik ko sobrang galing nyo na talaga! kelangan ma-eelibs na ko sa inyo ha!"

matapos ang malungkot na seremonya ay nagpatuloy kami sa aming gawain at inilalagay sa isip at sa puso ang pangyayari sa dalawang katropa.. masaya sana ang pasasamahan..
pero di inaasahan sila'y lilinisan na pala... masakit isipin.. pero dapat tanggapin..

"orange and melons, keep strivin' to keep on rockin'! walang magkakalimutan
hanggang sa kahuli-hulihan.. mawalan man tayo ng kasama
buhay na buha pa rin ang tropa.."
- orange and melons..
steffie guico, patricia capellan, mia abella, zendi macaraig,
micah cirio, khia lahip, angela abaja, dyan coronacion..

**maging masaya sana si steffie at si pat sa bagong mundong dapat harapin..
wala sanang makakalimot sa samahan ng tropa..

posted by dyanarcel29 @ 6:08 PM Comments: 0

Behind the Voice
name : dyanarcel
age : 13
school : Mater Carmeli School
hobby : Bowling, Guitar, Hang out with friends, Surf the Net


tag.mer

the.creditr
layout : purple-stream*
picture : Icarus

the.pastr




leave.blogr
blog.skins
Icarus
Heneroso
Karla
Jhed
Rowjie
RC


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.comGet awesome blog templates like this one from BlogSkins.com